Habang nag-titingin ako ng mga picture sa Facebook at cellphone ko, napuna ko na parang lagi na lang ako may kuha sa comfort room/powder room dito sa Singapore. Natawa na lang ako. Nag-isip. Bakit nga ba? Sa Pilipinas pa lang naman mahilig na kami ng aking kaibigan na si Tuks na mag-picture-picture sa cr. Naaliw kami na may kaharap kang salamin habang nakuha ng picture. Pero dito sa Singapore tila bawat puntahan kong cr may kuha ako.
Isa lang ang dahilan. Malinis ang palikuran nila. Nasa loob man ng mall, sa MRT/LRT station,sa simbahan o kahit sa public toilet nila malinis. Nakaka-tuwa na makita yung disiplina ng mga taong gumagamit ng cr nila. Kung tutuusin, mas madalas ka pa nga makakita ng nagli-linis ng cr sa Pilipinas na nasa loob mismo. Ang mga Pinoy halos tumambay na sa loob ng cr kakalinis pero wala din. Ilang saglit lang madumi na naman.
Don mo makikita ang pagakaka-iba natin sa ibang lahi. Sinasabing malilinis daw tayong mga Pinoy. Hindi umaalis ng hindi bagong ligo. Araw-araw kung magpalit ng damit. Kay-lilinis ng mga paa at kamay. Maya't-maya ang punas sa mga gadget na bitbit. Pero subukan mong pumasok sa loob ng cr. Merong aapak sa bowl. Ilalagay ang napkin na ginamit kung saan. May flush na nga, hindi pa gagamitin. Walang disiplina sa loob ng palikuran.
Siguro dapat kung paano natin linisin ang ating sarili, ganon din dapat sa lugar. Sabi nga ng ilan, ang ating banyo ang salamin ng ating kalinisin. At kung tinatamad ka lang, isipin mo na lang yung kasunod na gagamit ng palikuran. Hindi ba't nakakahiya naman makita nila ang dumi na iyong iniwan?
No comments:
Post a Comment