Thursday, December 8, 2011

Panaginip

Dreams. Sabi ng iba kabaligtaran daw ng mangyayari yung panaginip mo. Sabi naman samin ng professor ko nung college, yung panaginip natin ay ang mga bagay na nasa likod ng utak natin na ayaw natin isipin kaya sa panaginip sya nalabas. Sabi naman ng ilang mapamahiin, ang panaginip daw ay babala. Ano nga ba talaga?

Di naman ako yung taong mahilig mag-isip ng kahulugan ng panaginip. Sakin, part sila ng pag-tulog mo. Minsan present, minsan absent. No big deal. Pero kung minsan nakakatuwa yung mga panaginip natin. Merong sa panaginip ko lang nakikita at nayayakap muli ang lolo ko na pumanaw na. meron ding sa panaginip ko ay tumatakbo ako ng mabilis tapos tatalon at makaka-lipad na ko..babagsak at lilipad ulit. Pero in general, kibit balikat lang ako.

Di namin natin maitatanggi na may mga panahon na ang isang panaginip ay nagiging inspirasyon satin. Kahit gising ka sasabihin mo, "panaginip man yun, balang araw matutupad ko din". Sila yung na-iinspire ka na maging totoo sila. Hahanapan mo ng kabuluhan. Pag-iisipan mo ng paraan. Marahil dahil iyon sa kasalukuyan mong estado. Nagnanais ka ng bagay na tingin mo ay sa panaginip lang posible.

Wala namang masama diba. Sabi nga sa pangarap nagmumula lahat ng bagay. Kung panaginip man para sayo ang katuparan ng minimithi mo..magsumikap ka. Gawin mo ang kaya mong gawin. At hayaan mong si God na ang gumawa ng kasunod. Kung hindi man naging maganda ang resulta..isipan mo na lang na isa iyong panaginip. Puedeng umulit..puedeng magbago..puedeng kalimutan na lang..at puede ding magka-totoo.

No comments:

Post a Comment