things changed. plans failed. frustrations came. sabi nila ‘man is tested by time. the more experiences..more problems arise..mas tumatatag. at lahat ng bagy ay may choice tayo. we are the only responsible to our own actions. to our success. destiny. and even failures. pero sa bilis ng ikot ng mundo. sa dami ng bagay n dumadaan sa buhay mo..minsan kahit wala kang ginawang diskarte..naiiba pa din buhay mo. at minsan instead na pangyayari sa buhay natin yung mabago..tayo mismo nagbabago.
tatanungin mo sarili mo, anong mali? ah siguro hindi para sakin yun. baka may ibang mas nararapat ako. ok lang. take your time. madami pa nman jan.pahinga muna ko.
susubukan mong bumalik pero naisip mong saka na. mahaba pa ang buhay. madami pang nag aantay para sayo. you deserve a break..giit mo. hanggang sa mapagod ka na. gusto mo nang balikan yung panahong may kaya kang ibigay. kayang ipagmalaki. mag sisismula ka ulit. madadapa. tatayo. sugod ulit. aasa. maniniwala. paulit ulit. at muli, maiinip ka. ano ba namang chance ko na to?tagal naman. na traffic lang ba? o nahuli na ko?
hindi mo maintindihan kung asan ka. tinatanong mo sa sarili mo bakit andito ka? hinahanap mo pabalik yung daan sa dati mong mundo. kasama na din yung dating ikaw. anong nangyari?
ang paniniwala mong desisyon ang naglalgay kung asan ka, eh tila ayaw mo nang tanggapin. choice mo lahat ng bagay..payag ka pa ba? tila ayoko talaga. hindi dahil nakalimutan ko na yung matinding paniniwala tungkol sa bagay na to. hindi dahil wala na akong balak mag simula ulit. sa ngayon choice kong paniwalaan na tadhana ang mas makapangyarihan kesa sa sarili kong gusto. hindi mo gusto kung asan ka. pero kailangan mong may maituro sa bunga ng pagkakamali mo.
ang fate. destiny. sya ang pinaka safe na sisihin. hindi dahil sinisi ko talga ang walang ka malay=malay na tadhana. hindi talaga. dahil mali lang diskarte ko. hindi ko gustong dito lang ako. minamalas lang. hahanap ako ng paraan. mag antay ka lang. at muli sasabihin kong ‘ako ang gumagawa ng kapalaran para sa buhay ko.
No comments:
Post a Comment