Tuesday, August 3, 2010

YOUR PLEASURE IS OUR BUSINESS

071310

Sa panahon daw ngayon halos lahat mataas na ang presyo. asukal. bigas.gas. kuryente. name it. pero sa paglalakad ko dito sa Jollibee, Crossing. tila hindi naman pala. meron ding nag-mura. tulad na lang nilang tinatawag nilang 'puta. 100 ok na. all the way pa. Pero hindi pa pala yun ang pinaka-mura..wag na kong lumayo pa..sa katabing terminal namin..bagsak presyo. "Kape lang Boss ok na "

Hindi ko alam kung maawa o maiinis ako sa kanila. Ganeto na ba talaga kababa ang pagpapahalaga nila sa sarili? Ganeto na ba talaga ang buhay nila? Ganeto na ba talaga ang pinaka-madaling way para kumita? At ang pinaka-nakakabagabag sakin..ganeto na ba talaga kabata ang mga biktima ng prostitusyon? Labing-isang taon? Humirit pa yung isa..katorse na daw sya.

Sa tulad kong may mga nakababatang kapatid na lalaki..worried ako. Baka maagang ma-expose sila. Anyway balik tayo sa mga kabataang babae na ito..ano na kaya ang buhay nila 3 o 5 taon mula ngayon? May sarili ng pamilya? May anak na? nakapag tapos na ng pag-aaral? Wala na sa ganetong gawain? O isa ng beterano sa kanilang 'propesyon?

Nakakatakot malaman na sa mura nilang eded, masyado na silang mulat sa kamunduhan. Na dapat ay ballpen at papel lang ang hawak nila. Hindi yosi at kape. Na dapat ay laro at kwentuhan lang ang kanilang pinag-kakaabalahan. Hindi ang paglalaro sa apoy.

Minsan lang silang maging bata. Kalauna'y magiging responsable sa sarili nila. Matutong tumayo sa sarili nila. Maghahanap buhay upang mabuhay. Na hindi aasa sa bayad ng kustomer. Na hindi ang musmos nilang katawan ang puhunan.

No comments:

Post a Comment