Friday, August 20, 2010

UST rockz!!

Bilang isang masugid na taga-hanga ng UST womens volleyball..sobrang inaabangan ko ang uaap volleyball sa November. Paano ba namang hindi, nakaka-miss kaya silang mapanood. Iba talaga ang volleyball pag wala sila. Tulad na lang ng season ngayon ng v-league..boring!! I always make it a point to watch volleyball games live for atleast twice every league. Kahit pa taga Calamba pa ko. Pero ngayon quarterfinals na sa v-league, di pa din ako nakaka-panood. Wala kasi akong aabangan na laro. Gusto ko din naman ang Ateneo at FEU (dahil kay Daquis at Gonzales) pero kulang pa din.

At sa darating na UAAP, for sure bitter-sweet pakiramdam ng tulad kong UST fan. No more Angeli Tabaquero. Wala na yung makulit at pala-ngiti pero very effective player ng USTe. Iba kasi maglaro si Tabaquero. Sa liit at payat nyang yon, ewan ko ba paano sya pumapalo. At hindi lang sya pang offense, pati sa defense maasahan. Receive, Dig at Block..ano pang hahanapin mo. At kung minsan may namemewang na pose pa sya. Lupet diba.

For sure kaya gumawa ng way ni Captain Maizo. Meron pa bang kukwestyon sa galing nya? Wala na. May mga palo pa nga syang sa taas pa lang ala mong patay na yung bola. At gagawin nya itataas ang kamay na tila sinasabing wag na ma-bother mag-abang ng bola..point na nila. Yan si Maizo, simpleng pamatay.

Si Rhea anjan din. Ang effective setter ng team. Nung una ayoko sa kanya. Natatandaan ko kasi noong UST-FEU semis game sa UAAP na lumaglag sila sa Finals. It was Rhea that A-Coach Norman chosed to play instead of my fave setter Denise Tan. Palpak non si Rhea. Daming setting error na kinatalo nila ng 2 naunang set. Pero ngayon, iba na si Rhea. Di lang maasahang setter, pumupuntos na din. Pabiglang hulog at block kayang-kaya nya.

Andyan din Si Ortiz. Na kung quick hit ang gusto mo, ibibigay nya. Kung mabilisang puntos, sagot na nya. Isama mo pa yung blocking na tinutulong nya. At pag pinag-tabi mo sila ni Maizo sa net, para ka nang bumannga sa pader.

At syempre makakalimutan ko ba ang kababayan kong si Maru Banaticla..syempre hindi. Marami talagang pinapabilib itong si Maru, rookie pa lang non, matapang na. Kahit sino pang nagbabantay sa kanya, papaluan nya. At kung manood ka ng live..makikita mong pumapalo sya na nanggagaling pa sya sa labas. Istilo na kay Daquis ko madalas makita. At isama mo pa ang hang-time na meron itong si Maru. Parang si M9 Carolina lang. Kaya alam kong sa mga darating na panahon, isa itong si Maru sa kakatakutang kalaro.

Kaya sana lagi lang may USTe. Kasi ang saya nilang panoorin. At nakaka-adik.

No comments:

Post a Comment